Niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig na aking nararamdaman. Patay ang aircon ngunit kung lamigin ako ay para akong nasa loob ng refrigerator. Naiiyak na pinagmasdan ko ang aking cellphone, walang reply si Sir Arcel at hindi ko alam ang aking gagawin dahil sobrang sama ng aking pakiramdam. Wala akong gamot na reserba at maging pagkain na may sabaw ay wala. Ayaw ko naman kumain ng aking handa dahil nasa loob na ito ng ref. Gusto ko man ipainit ito dahil nagugutom na ako ay hindi ko naman magawang tumayo. Isa pa, gusto kong kumain ng may sabaw at hindi advisable ang mga handang dinala nina Daddy at Mommy dahil puro dry foods ang mga ito. Masakit ang aking buong katawan at sigurado ako na tatrangkasuhin ako nito dahil nabigla ang katawan ko sa matagalang pagtatalik na ginawa namin ni S