Nanahimik ako sa sinabi ni Sir Arcel, iyong kilig ay nag-uumapaw sa puso ko kaya hindi ako makapagsalita upang mag-react sa kanyang sinabi. Is this for real? May gusto siya sa akin? Noon pa? s**t talaga! Ano ba 'yan pareho kami ng nararamdaman ni Sir Arcel?! Senyales na ba 'to na magkakaroon na ako ng love life? Kaya lang, secret love affair lang dahil bawal naming ilantad ang relasyon namin. Bawal ito at mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang pagkakaroon ng relasyon ng propesor sa estudyante nito. Nalungkot ako bigla sa naisip ko. Tapos naalala ko, okay lang kaya kina Daddy at Mommy na magkaroon ako ng boyfriend tapos sa professor ko pa? Kasi kapag umamin ako kay Sir Arcel ngayon, alam ko kung saan na ang next na tungo nito. Magiging sikretong magkarelasyon kami dahil ito lang ang pwe