"Tama na, kumalma ka na anak…mabubuking tayo ni Grandma," naiiyak kong bulong sa aking sarili habang hawak ang impis ko pang puson. Nakaharap ako sa sink at katatapos ko lang magsuka ng ilang ulit. Pang-limang balik ko na 'to sa banyo actually, at nag-aalala na tuloy ako na baka madatnan ako ni Mommy na nagsusuka rito at kaagad siyang maghinala sa kalagayan ko. Nasita na nga ako ni Mommy noong nakaraan na nagiging antukin daw ako lately. Ang katwiran ko pagod ako sa school kaya nakakatulog ako. Hindi ko mapigilan ang antok lalo na kapag araw ng Sabado at Linggo. Buong maghapon akong walang inatupag kundi ang matulog. Kapag gigising naman ako ay puro pagkain ang hinahanap ng aking bibig. Ayaw ko sana na may mahalata siya ngunit katawan ko naman ang kusang gumagawa ng rason para may mahal