Chapter 109: I won't let her go.

1516 Words

One week ko ng napapansin na tila matamlay si Malaya at tila iniiwasan ako. Hindi ko rin ramdam na may gana siya at masaya kapag pinupuntahan ko siya sa kanyang condo. Hindi na katulad ng dati kung pakiharapan niya ako at labis akong nagtataka at naiinis dahil dito. "Malaya…may problema ba tayo?" naglakas-loob akong magtanong ng gabing ito dahil hindi na ako makatiis. Hindi na ako natutuwa sa inaasal niya dahil para akong hangin na dinadaan-daanan niya at hindi niya nakikita.. Narito siya pero ang layo naman ng kanyang tingin. Tapos ilang beses ko pa siyang nakitang nagpupunas ng kanyang mga mata na tila palihim na umiiyak. May problema ba siya? O may problema siya sa akin? "W-wala, bakit mo natanong?" tanong niya na nautal pa at hindi man lang ako magawang tingnan sa aking mga mata.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD