Nakatungo ang ulong umalis ako sa harapan ng propesor pagkatapos kong iwan sa kanya ang hinihingi niyang class cards. Hiyang-hiya talaga ako sa pagiging late ko sa pagpasok sa klase niya lalo na at baka isipin niyang isa ako sa pasaway niyang estudyante. "Zaria Carmella Villafuerte…" Narinig ko pa siyang binigkas ang buo kong pangalan na medyo nagbigay ng konting kaba sa akin. Baka natatandaan ako ni Sir, baka maalala niya na anak ako ni Arcel Villafuerte at apo ni Percy Villafuerte. Nakakahiya sa Daddy at Lolo ko dahil baka isipin ng propesor na ito na pasaway ako kababae kong tao. Na ginagamit ko ang apelyido ko para gawin ang gusto ko. Na porke pag-aari ng pamilya namin itong school ay wala na akong pakialam ma-late man ako o lumiban sa klase. Yes, my family owns this school. Si Pe