Lumilipad ang isip ko habang nakikinig ako sa pagtuturo ni Cameron sa harapan ng klase. Mabuti naman at hindi na namin kailangan magpakilala isa-isa sa kanya para lang matandaan niya ang aming pangalan. Nakakaumay iyon sa totoo lang at tingin ko naman madali sa kanya na ikabisa ang aming mga pangalan lalo na at nasa bente lang ang aming bilang. Hindi ako nakatingin sa kanyang direksyon habang nakikinig sa kanyang pagtuturo ngunit ramdam ko naman iyong mga tingin niya sa gawi ko na labis na nagpapakaba ng matindi sa akin. Iyong pagiging late ko ba talaga sa klase niya ang pag-uusapan namin mamaya? O baka may iba pa siyang pakay sa akin? Isang taon na ang nakalipas, siguro naman hindi ang tungkol sa aming nakaraan ang sadya niya. Isa pa, hindi naman ako direktang umamin sa kanya na ako a