Chapter 150. Para sa isa't isa.

1568 Words

Chapter 150. Tuluyan nang nakalabas ng classroom sina Sol at Tami. Walang nagawa si Sol sa utos ng kanyang Tito kundi sundin ito at iwan kami. Kita naman sa itsura ni Cameron na hindi nito nagustuhan ang ginawang pakikialam ng kanyang pamangkin kaya hiyang-hiya si Sol na umalis. Ako naman ay naiwang nakatayo sa desk ko habang hindi ko alam kung ano ang susunod kong kilos. Parang tinatambol sa kaba ang puso ko. Gusto kong hilahin pabalik sina Sol at Tami rito para samahan ako ngunit alam kong hindi naman papayag si Cameron. Alam kong tungkol sa nangyari sa amin one year ago ang topic. Mabuti na rin siguro na kaming dalawa lang ang mag-usap. Hindi dapat malaman ito nina Sol at Tami dahil ako mismo ay itinago sa kanila sa takot ko na malaman ni Cameron na ako talaga ang babaeng nakasama ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD