Tahimik lang akong sumusubo ng pagkain mula sa kutsara ko, habang panay naman ang kwento nina Tami at Sol sa akin ng mga nangyari sa buhay nila habang wala ako. Panay tango lang ako sa kwento nila. Sumasagot ako kapag tinatanong nila ako at nakikitawa kapag may nakakatawa silang kwento. Alam ko napansin na nila na parang lumulutang ang isip ko kung saan nang dumating ako rito sa canteen. Ngunit hindi nila ako kinwestiyon kahit isang beses dahil marahil ramdam nila ang bigat na aking nadarama. Lalo na si Sol, alam ko ramdam niya na may something sa amin ng Tito niya. The way she looked at me when I joined them at their table, kita ko iyong mapanuri niyang tingin at alam kong marami siyang gustong tanungin. I'm glad she kept silent. Hindi ko rin alam kung kaya ko bang sabihin sa kanilang