Mabilis kong sinalansan ang mga gamit ko para sa aking huling klase. Kaagad akong lumabas ng classroom pagkatapos kong sabihin sa mga estudyante ko na dismissal na at pwede na sila umalis. Binilisan ko ang lakad ko nang makita ko ang oras sa suot kong relo. Mukhang hindi ko na naman yata aabutan si Zaria sa classroom nila! Inagahan ko na nga ang dismissal ng last class ko ngayong hapon para sigurado ko na maabutan ko siya sa classroom nila, ngunit kagaya kahapon, hindi ko na naabutan si Zaria sa panghuling klase niya. Wala na siya sa classroom nila at mangilan-ngilang kaklase na lang niya ang nakita kong palabas ng classroom nila para umuwi. Laglag ang balikat na nilisan ko ang lugar na iyon. Tamad na naglakad ako at dumiretso na agad sa parking lot para makauwi. "Damn!" I hissed whil