"Ano'ng kalokohan ang pinagsasabi mo sa mga magulang natin, ha? You're not pregnant! Paano mangyayari iyon eh hindi naman tayo nagtatabi?" halos umusok ang ilong ko sa galit na hiyaw ko kay Anacleta. Tinaas ko ang palad ko para sampalin siya ngunit kaagad siyang lumuhod sa paanan ko para hindi ko siya saktan. "M-magpapaliwanag ako, Cameron." Parang maamong tupang sabi niya sabay palahaw ng iyak. Nagtatakang ibinaba ko ang palad ko habang kunot-noong nakatingin ako sa pagtangis niya. Nasaan ang tapang niya? Bakit hindi niya ako sinagot-sagot ngayon at pinagsusuntok? Ano 'to bago niyang strategy para hindi ko siya tuluyang iwan? Well, I made up my mind. Kahit ano'ng gawin niya ay makikipaghiwalay ba talaga ako sa kanya. Kailangan na naming mag-usap ng masinsinan ngayon! I need to get out