Hinintay ko munang makauwi sina Sol at Tami bago ko dinala si Zaria sa condo ko. Sabik na binuhat ko siya palabas ng sasakyan ko at kaagad na sumakay ng elevator at pinindot ang floor na kinaroroonan ng unit ko. "Hmn…" narinig kong ungol niya nang inayos ko ang pagbuhat sa kanya. Nakalupaypay na kasi ang ulo niya sa sarap ng tulog niya. Tulog na siya sa sasakyan ko nang umalis na kami sa bar. At naiinis akong isipin na hinayaan ni Sol na malasing ng sobra ang kanilang kaibigan. Paano kung may lalaking humila sa kanya palabas ng bar at gawin sa kanya ang ginawa ko noon? Hindi ko kayang isipin iyon. Hindi ko kaya na makita siya sa ibang kandungan! Mababaliw ako! Hindi ko mapapatawad si Sol kapag nangyari iyon lalo na at alam niya kung paano ako nagdusa kakahanap sa kanyang kaibigan. "Tin