Isang matinding irap ang ibinigay sa akin ni Elvira nang dumaan ako sa kanilang harapan. Hindi ko naman ito pinansin at naupo sa upuan na nasa gilid niya. Irapan lang niya ako hanggang gusto niya. Wala akong pakialam kahit maduling pa siya kakairap dahil nangako ako sa aking sarili na iiwasan ko na sila ng barkada niya pagkatapos na muntik na akong mapahamak dahil sa kagagawan nila. Tinanggal niya ako sa sorority club niya dahil hindi ako pumasa sa task niya na dapat may mangyari sa amin ni Sir Arcelus. Napatunayan ko naman na hindi bakla si Sir pero ang gusto niya may mangyari sa amin para patunay na hindi nga ito bakla. Dahil walang nangyari sa amin ni Sir, natalo siya sa pustahan sa ibang grupo kaya galit na galit na tinanggal niya ako. Tsaka ayoko ng ma-involve sa ginagawa nilang paki