Naiiling na naglakad ako palabas sa kwarto nina Lolo at Lola habang iniisip ang sinabi niya. Hindi ko naman iniisip si Malaya, pero natawa ako sa sinabi niya na 'huwag mong masyadong isipin yon, mahal ka no'n. Mahal? Sana nga in the near future mahalin din niya ako kung mahulog man ang damdamin namin sa isa't isa. Sa ngayon, hindi pa pwedeng mangyari iyon dahil nagdadalawang-isip ako na lapitan siya at suyuin. Nag-aalangan talaga ako sa age gap namin. Kung kina Lolo at Lola, Papa at Mama, ayos lang ang ganito, sa akin medyo tagilid ang age gap namin ni Malaya. Thirty ako, samantalang siya ay seventeen lang, napakalaki ng agwat ng edad namin. Ngunit bago ko pa isipin ito at problemahin, mas una kong poproblemahin kung paano magiging kami. Nakakalimutan ko yata ang isang malaking balakid