Nagdidilig ako ng mga halaman sa garden ng hapong ito nang makita ko ang kotse ng apo kong si Arcel na papasok ng garahe. Nanghaba ako sa pagtanaw sa pagpasok nito at na-excite na makita siya. Ibinaba ko ang hawak kong hose at pinatay ang gripo. Nagpunas ako ng aking mga kamay at mabilis na tinungo ang garahe kung saan nag-park ng kotse niya si Arcel. I am excited to see him. Ilang linggo rin siyang 'di dumadalaw sa akin. Nakakatampo ngunit naiintindihan ko naman na dedicated siya sa kanyang trabaho. "Arcel, apo…" masayang-masaya na sabi ko kay Arcel habang maluwag ang ngiti sa aking labi. Sa mga apo ko ay si Arcel ang masipag pumasyal dito sa bahay namin ng Lolo Clark niya. Madalas pa siyang mag-stay dito ng Sabado at Linggo na labis na ikinatutuwa ng Lolo Clark niya. Maglalaro kasi