Nang araw na malaman ng parents ko na buntis ako at hindi ko alam kung sino ang ama ng dinadala ko. Ginawa nila ang lahat para hindi ako malungkot at sisihin ang sarili ko sa katangahan na ginawa ko. Nasaktan ako sa sinabi ni Daddy sa akin sa totoo lang pero alam kong deserve ko iyon dahil naging pasaway akong anak. On the other hand, si Mommy ay tahimik lang na umiiyak at hindi ako sinumbatan kahit isang salita. Maybe she understands my situation, hindi ko naman ginusto na mapunta sa ganoong sitwasyon. Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari sa akin eh di inunahan ko na sana. Dapat nag-ingat ako, dapat umuwi na ako. Naisip ko, huli na. Nangyari na, move on na lang ako tutal hindi rin kami pwedeng magkatuluyan ng ama ng aking anak. My father told me to always look on the bright side.