"Anong balita? Nahanap niyo ba ang pinapahanap ko sa inyo?" tiim-bagang na tanong ko isang umaga kay Detective Paulo. Siya ang head ng detective team na binayaran ko para hanapin si Zaria. "My Zaria...oh my, Zaria..." nanunuyo ang lalamunan na anas ko habang nakatingin sa larawan niya sa aking laptop. Kapag naiisip ko siya ay tinitigasan ako at nanunuyo ang lalamunan ko sa pagkasabik. Ang hirap niyang alisin sa isipan ko, she always occupies my mind. Ang sarap niya kasi. Ang sariwa pa kaya heto at nababaliw ako sa kanya. Naging okupado niya ang buong isip at puso ko sa mga nagdaang buwan. Pagkatapos na iwan niya ako sa hotel na pinagdalhan ko sa kanya at hindi ko man lang nalaman kung sino siya at ano ang pangalan niya ay halos mabaliw na ako kakaisip kung saan ko siya hahanapin. Kung