Chapter 143. Not ready

1203 Words

Wala kaming imikan ni Kuya habang pauwi kami ng bahay namin. Ewan ko kung dahil wala siya sa mood kaya hindi siya umiimik o baka dahil antok na siya kaya tinatamad akong kausapin. Napagod yata siya sa pakikipag-usap sa mga kaklase niya at kakilala niya na imbitado sa party kaya heto at tahimik lang sa aking tabi. Sabagay, wala naman akong maisip na topic na pwede niyang buksan kung sakali. Mabuti nga at hindi na niya ako pinipilit na magsabi sa mga magulang namin nang tungkol sa kalagayan ko. I told him so many times, na kapag handa na ako ay saka ako magsasabi. Siguro nagsawa na rin siya sa pagpapaalala at pagpilit sa akin kaya hinayaan na lang niya akong magdesisyon kahit na ba ilang beses niya akong kinukulit na umamin noon. Naghikab ako nang makadama ng antok. Late na akong magigisin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD