"Magbihis ka na, sabay tayong kakain ng almusal," malamig ang boses na sabi ko kay Malaya. Nagtapis ako ng tuwalya at tuloy-tuloy sa gawi ng pinto. Lumabas ako ng banyo at hindi na nag-abala pang lingunin siya pagkatapos kong mailabas ang init ng aking katawan. Narinig ko siyang humagulgol ng iyak ngunit hindi ako nag-abalang bumalik ng banyo para aluin siya. I know she doesn't deserve to be treated like that. She doesn't deserve to be hurt like this, pero sobra rin akong nasasaktan sa pinapakita niya sa akin. Nasasaktan din naman ako sa ginagawa ko sa kanya pero kailangan kong ipakita na matigas ako para matakot siyang iwan muli ako at taguan. Ang sakit makita na nagbago na siya sa totoo lang. Ang sakit makita na parang wala na akong halaga sa kanya. Wala na ang lambing sa mga mata n