Hingal-aso ako nang makalabas ng subdivision na kinatitirikan ng bahay na pinagdalhan sa akin ni Arcel. Hirap na hirap akong tumakas sa kanya dahil bukod sa hindi ko alam ang pasikot-sikot ng mansion ay kasabwat pa niya ang lahat ng kasambahay na naroon sa mansion. Mabuti na lang at nagoyo ko ang mga tao roon at heto nga nakatakas ako. Yes, mansion ang bahay na pinagmulan ko at nagtataka ako kung sino-sino ang kasama niyang nakatira roon. Sa kanya ba ang bahay? Sa magulang ba niya o sa kamag-anak? "Hay naku! Bakit ko pa iniisip ito?" himutok ko habang nag-aabang ng taxi sa labas. Maraming nagdadaan na sasakyan dito sa labas at alam kong makakaalis agad ako rito bago pa malaman ni Arcel ang pagtakas ko. Isang sulyap ang binigay ko sa mansion bago ako sumakay sa taxi at malungkot na napa