Babae ang anak namin na isinilang ni Zaria. Single baby lang at hindi kami pinalad na magkaroon ng kambal na anak. Malusog at sobrang cute ng baby gaya ng nasa imahinasyon ko. Mestisa at mamula-mula ang balat na naman rin niya sa kaniyang ina. Itim na itim ang kulay ng buhok, mapulang labi, at magagandang mata na napapalibutan ng malalantik na pilik-mata. Tuwang-tuwa ang pamilya ko nang dalawin nila sa ospital ang aking asawa lalo na ang pamilya ni Zaria na halos ayaw na nilang bitiwan ang baby sa sobrang ka-cute-an nito. Mabait din kasi ang baby at ang sarap hawakan, hindi iyakin at tahimik lang kapag buhat ito. Sa hacienda namin napagpasyahan na tumira ni Zaria pagkatapos nilang ma-discharge sa ospital. Napag-usapan na namin ito ni Zaria noon kaya naman habang nasa ospital sila ng baby