If it's for you, it will find you. Ganito ang nangyari sa love story namin ni Zaria. Hindi ko siya hinanap, kusa na lang siyang dumating sa buhay ko. Akala ko habang-buhay na akong matatali sa kasunduan ng mga magulang ko sa mga magulang ni Anacleta. Akala ko ay habang-buhay kong pakikisamahan ang baliw na babaeng iyon. But with just one night, I didn't know that my life would change. That I still have hope of escaping the agreement that I didn't want. Akala ko talaga mabuburo na ako habang-buhay sa piling ni Anacleta. Pero sobrang buti ng Diyos dahil hindi niya ako hinayaan na matisod sa isang relasyon na hindi ko pinangarap. Dahil sa one-night stand na nangyari sa aming dalawa ni Zaria ng gabing iyon, nagkrus ang landas namin at hindi ko akalain na magbabago ang buhay ko dahil sa bab