After 3 years
"Manager. The stock on the warehouse is still full. What should we do to the new shipments?"
Napaangat ng tingin si Carrie mula sa binabasa niyang daily reports. It was a typical day in the shipping company she was managing. Sanay na siyang tinatanong ng sekretarya niya kapag ganitong busy sila.
"We can just stock those on the other warehouses but label them so we know where and when it was from."
Ngumiti ang sekretarya niya sa kanya. Tumango ito at lumabas na ng office niya.
Inalis niya ang salamin sa mata. Saka niya hinilot ang sentido niya. Tatlong taon na siyang manager. And thankfully mula ng gabing iyon naging maayos na ang buhay niya pati na ng mama niya. Pero may kakaibang pagbabago na naganap sa kanya mula ng gabing iyon.
Pagod man ang katawan. Carrie tried to get up. Binuksan niya ang mga mata niya pero dilim ang agad na bumungad sa kanya.
Bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Oo nga pala nakatakip ang mga mata niya. Kaya naman inalis niya na iyon.
Mukhang umaga na dahil naririnig niya na ang pagtilaok ng mga manok sa labas.
Nilibot niya ang tingin sa paligid. Lalo na sa tabi niya. Thinking that maybe the 'woman' had gone home by now.
Pero nanlaki ang mga mata niya ng makitang nasa tabi niya ito. Nakatalikod. Mukhang malalim ang tulog nito dahil hindi man lang ito gumagalaw sa pagkakahiga.
Hindi sinasadyang gumala ang tingin niya sa kabuuan nito. The woman is sexy. Makinis na makinis ang balat nito. Mahaba din ang alon alon nitong buhok.
Napalunok siya ng laway niya. She's thinking about their wild s*x. Mukhang sanay na sanay ito na magpaligaya ng kapwa nito babae. Napadako ang tingin niya sa kamay nito. Feeling niya parang umakyat ang dugo sa pisngi niya ng makita kung gano kahahaba ang daliri nito. And those entered her most sacred place.
Lalo tuloy siyang na curious sa mukha nito. Hindi naman nito malalaman. Isang sulyap lang naman!
Dahan dahan niyang sinilip ang mukha nito. At ganun na lang ang panlalaki ng mga mata niya. Si Miss 'Blue eyes'!
Hindi niya pa gaanong napag mamasdan ang mukha nito ng bigla itong kumilos kaya naman hinanap niya agad ang blindfold at muli iyong isinuot. Naramdaman niya ang pag alis nito sa higaan. Nagkunwari siyang tulog hanggang sa hindi niya namalayang tuluyan nga siyang nakatulog. Pag gising niya wala na ito.
"Mam Carrie?" Boses ng secretary niya ang pumukaw sa nag lalakbay niyang diwa.
"Yes?"
"May naghahanap po sa inyo. Si Miss Federico po."
Napangiti siya. She's been waiting for Georgina.
"Papasukin mo na siya." Wala siyang narinig sa secretary niya. Narinig na lang niyang bumukas ang pintuan ng office niya. Saka naman pumasok ang isang magandang babae na nakasuot lang ng white blouse at red mini skirt.
Lumapit ito sa kanya at inalis nito ang salamin niya sa mata. Saka nito kinagat ang sarling labi. "I miss you, babe."
Napanguso siya sa sinabi nito. "Mukhang hindi naman babe. Ang tagal mong bumalik eh!"
Reklamo niya pa na lalo pang ikinalawak ng ngiti nito.
Hinawakan nito ang pisngi niya. "I said I'm sorry already did I? Alam mo namang trabaho ko yun. Anong magagawa ko kung i-e-extend pa nila ang contract ko?"
Napabuntinghininga siya. Model ito. At oo may relasyon sila. Mula kasi ng may manyari sa kanila ni Miss Blue eyes. Lagi niya na lang napapansin ang sarili niya noon na hinahabol ng tingin ang kapwa babae niya.
Akala niya noong una nagagandahan lang siya but then it is confirmed when she didn't feel a thing about boys. At mas na i-excite pa siya kapag babae ang rumarampa sa harap niya.
"Babe I'm sorry please?" Hinalikan nito ang tenga niya.
Napaungol naman siya dahil dun. Then the next thing she knew. They had a hot make out session sa loob ng opisina niya.
------
Nakangiting lumabas siya ng office niya. Nauna nang umuwi si Georgina. Gusto niya sana itong ihatid pero wala naman siyang magawa dahil ngayong araw ang meeting para ipakilala ang bagong CEO na mag t-take over sa kumpanya. Georgina grudgingly agreed and made her promise to visit her later. Napapakagat labi siya kapag naaalala na kinagat pa ng kasintahan ang sariling labi na tila may iba pang pinapahiwatig. Hindi pa man siya nakakapunta ay na-e-excite na siya.
"Hello mam Carrie."
Ngumiti lang si Carrie sa bumati sa kanyang babae.
Tila kilig na kilig namang hinampas nito sa braso ang kasama nito.
Napailing siya. Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tauhan niya ang s****l preference niya. Though hindi halata sa kilos niya dahil mahinhin pa kasi siya sa ibang babae kung kumilos. She's a feminine type of a lesbian.
Marami ngang nagkakagusto sa kanyang babae mula ng inamin niya iyon nung una pa lang. Straight man daw na babaliko niya. Even guys started courting her thinking they could change her, pero wala talaga. Si Miss Blue eyes lang pala ang makakapagpabago ng matuwid niyang daan.
She chuckled a little. Then bigla rin siyang napasimangot ng maalalang tatlong taon na ang lumipas pero hindi niya na ito muli pang nakita. She even went back to the club after she became a successful manager pero hindi na daw nagagawi doon ang hinahanap niya.
Ilang ulit din noon na bumabalik sa alaala niya ang mukha nito. Ang paghagod nito ng kamay sa buhok. Those sexy smirk. Laging ganun ang hinahanap niya sa mga nagiging karelasyon at ka fling niya.
Napabuntonghininga siya.
This is not good. Possible bang ma love at first sight siya dito? Bakit hanggang ngayon hindi ito maalis sa isipan niya? Dahil lang ba sa ito ang nakauna sa kanya? What could be another reason kung bakit nag p-persist pa rin ang mga alaala na iyon sa isip niya kahit tatlong taon na ang nakalipas?
"Hay." She heaved another sigh.
Siguro magpapalipas na lang muna siya ng oras sa labas. Tutal break naman na. Kahit kasi gustuhin niya man na yayain si Georgina. Mukhang pagod naman ang girlfriend niya. Ayaw niyang istorbohin ito. Mabuti nga at dinalaw siya.
Tumambay na lang siya sa isang coffee shop.
Bored na bored na hinalo niya ulit ang kape niya. Nagpalinga linga na lang tuloy siya sa paligid. Binibilang kung ilang babae na ang pumasok sa loob ng coffee shop.
Pero tila tumigil ang mundo niya nang may makita siyang pamilyar na mukha. Sa tindig, sa alon alon na buhok at sa tangkad nito. Impossibleng hindi ito mapansin.
"M-Miss Blue?!"
Napatayo siya sa upuan niya. Tila slow motion sa paningin niya ang paglalakad nito palapit sa table niya. Pati na ang pag ngiti nito.
Automatikong napangiti siya. Nakilala kaya siya nito?
Daladala ang kapeng hawak niya. Agad niya itong sinalubong pero hindi pala siya ang nginitian nito kundi ang lalake sa likod niya.
"Winter!"
Napalingon tuloy siya sa likod niya. At huli na para marealize niyang pasalubong siya kay 'Winter'.
Napapikit siya ng matapon lahat ng kapeng daladala niya sa damit nito.
Binukas niya ang mga mata at dalidaling hinanap sa bulsa niya ang panyo niya. Agad niyang pinunasan ang harap nito.
"I'm sorry"
"God!" Agad nitong pinagpag ang suot suot na white shirt. Tinabig din nito ang mga kamay niya. "Stop it!
Napatigil naman siya. Inangat niya ang tingin dito. Hoping to see recognition in those eyes. Pero agad din nitong iniwas ang tingin sa kanya.
"Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo miss?" Pinasadahan nito ng sariling kamay ang buhok.
Napalunok siya. Grabe ganun pa rin ang epekto nito sa kanya.
"Are you just gonna stare at me?" Lalo siyang natigilan sa sinabi nito.
"God! Why do I have a feeling this happened before?"
Napangiti naman siya dahil dun. She was about to say something. Pero agad siyang hinarangan ng lalake na nasa likod niya. The guy was tall. Maputi din ito at clean cut ang buhok. But she can say na matipuno ang katawan nito dahil sa lapad ng likod nito.
Napasimangot siya dahil parang hindi siya napapansin ng dalawang nasa harap niya.
"Are you ok Win?"
"I'm not. Jah" sagot ni Winter dito. "Can't you see nabasa ang damit ko?"
Nainis siya ng hubarin ng lalake ang suot nitong suit. Pagkatapos ay ipinatong iyon sa likod ni Winter. Sinamaan siya ng tingin ng lalake pagkatapos ay hinapit na nito ang balikat ni Winter para mag lakad.
"Sa susunod Miss. Look where you're going." Pagkatapos nun ay sinungitan pa siya ni Winter bago ito umalis sa harap niya. Napanganga na lang na sinundan niya ito ng tingin. Hindi ba siya nito nakikilala?