CHAPTER 5 (Carrie’s POV)

1321 Words
Kanina pa nakakunot ang noo ni Carrie. Kanina pa siya nasa meeting pero nasa ibang bagay naman ang isip niya. Pilit na bumabalik sa isip niya ang pag kikita nila ng babaeng matagal niya ding inaasahang makita.   Hindi ba siya nakilala ni Miss Blue eyes? Samantalang binayaran pa siya nito para makuha ang virginity niya noon? Bakit may kasama itong lalake? Boyfriend ba nito iyon? May nangyari na nga sa kanila pero ni hindi man lang siya nito nakilala. Samantalang siya hindi niya makalimutan ang gabing iyon, dahil yun ang naging dahilan kung bakit siya baliko ngayon.   Baka naman kamukha lang nito ang Miss Blue eyes niya, pero impossible naman yun. Kamukhang kamukha talaga. Pati gestures.   Napakagat siya ng hintuturo niya.   "Carrie. You're spacing out are you ok?"   Ngumiti siya sa katabing si Logan. Nahihiyang ibinaba niya na din ang hintuturo na kanina niya pa kinakagat. Matagal na itong nanliligaw sa kanya. Taga ibang branch na ito ngayon. Bagong promote bilang manager sa Makati branch. Ilang ulit niya na din itong binasted. Mabuti nga at sumuko na din ito sa kanya at nagpasiya na lang na makipag kaibigan.   "I'm ok Logan."   "If you say so, nga pala.” Ngumiti ito, saka dumukwang na tila may sekretong sasabihin sa kanya. “Yun nga palang bagong CEO. Nag aral pa daw yun ng apat na taon sa ibang bansa. And I heard maganda daw ito."   Tumaas baba pa ang kilay nito.   "Talaga?" Nonchalant na sagot niya dito. Naiisip niya pa rin kasi si Winter. May pag asa na madalas ito doon sa coffee shop. Kaya magkikita pa sila. She can’t even focus on anything right now maliban sa nasasabik siyang makita ang pares ng bughaw na mga mata.   "Wow himala. You're not excited?" Tila hindi ito makapaniwala na pinanlakihan siya ng mga mata.   "It depends on---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil pumasok na ang president ng kumpanya.   Nag si-ayos sila ng upo. Logan who was slouching in his chair sat up straighter. Natatawa na lang na tinapunan niya ito ng tingin.   Logan playfully glared at her and mouthed. “What?”   Umiling iling lang siya saka nila ibinalik ang tingin sa kakapasok lang na si Mr. Mckinley.   "Ladies and gentlemen. Sorry to keep you waiting. But I'm proud to introduce my daughter. The new CEO of Mckinley Shipping Lines. Winter Mckinley."   Ibinaling nila ang tingin sa unahan. Nanlaki ang mga mata niya ng pumasok sa loob ng board room ang babaeng kanina niya pa iniisip. Kasama nito ang president ng kumpanya. Nakasuot na ito ngayon ng pang babaeng suit.   "Wow!" Sabi ni Logan sa tabi niya. "She's hot!"   Agad siyang napasimangot sa sinabi nito. Parang gusto niya itong sikuhin. Marami ba siyang magiging karibal sa future girlfriend at wifey niya?   Eager siyang tumayo ng isa isang pinakilala ng ama nitong si Mr. William Mckinley ang anak nito sa kanila. And when it's her turn, she smiles wider.   Nakita niya ang pag kunot ng noo ni Winter sa kanya. Napangiwi naman siya. Mukhang naalala nito ang mukha niya sa coffee shop kanina. Pero hindi naman siya nakilala bilang yung babae na binayaran nito para makasiping ito.   "I'm Carrie Mendez." Inabot niya ang kamay dito. Inabot naman nito iyon. Tila nakaramdam siya ng kuryente ng magtama ang balat nila. For the first time in four years. Nahawakan niya ulit ang kamay nito. Thank God at hindi na din ito nagsalita pa tungkol sa nangyari.   "I'm Winter."   Pa cute na ngumiti siya dito. Pero iniwas lang nito ang tingin sa kanya at tila nailang pa.   Napakunot naman ang noo na inalis niya na ang magkahawak nilang kamay kahit ayaw niya pa sana.   "Winter. Carrie is one of my best manager. Kaya sa unang buwan mo sa pagpapatakbo ng kumpanya. She will accompany you to all the branches we have here."   Napanganga siya sa sinabi ng matandang Mckinley sa kanya. Pati si Winter mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ng ama nito. Winter’s mouth opens and close na tila may gusto itong sabihin sa ama nito.   "A-Are you sure sir that you will assigned me as the tour guide of your daughter?"   "Why not?" Nakangiti pang tinapik ng matandang Mckinley ang balikat niya.   "Uh--" sasagot na sana siya but she stopped herself dahil nakita niya ang unti unting pag kunot ng noo ni Winter.   "Dad!" Tumingin si Winter ng masama sa kanya bago nito binalingan ang ama. "May alam ba yan? Halos magkasing edad lang kami. Mas bata pa nga ata yan sakin. What does she know about managing a business?"   Ngumiti lang siya dito. Mukhang wala itong alam. Isa lang naman siya sa pinakabatang naging manager. At kabikabila na ang awards na natanggap niya mula mismo sa kumpanya. Isa pa nagtapos siya ng business management bilang suma cumlaude.   "Just trust me. Winter. She's one of the best here."   "Eh bakit one of the best lang? Bakit hindi niyo ako ibigay sa best manager mo dad?"   "Winter." Bumaling sa kanya ang matanda na tila sinasabing pag pasensyahan niya ang anak nito.   Ngumiti lang siya bilang sagot. "If you're not convinced. Then let me prove it to you. Kahit isang linggo lang na magkasama tayo. I can assure you na alam ko ang pasikot sikot ng Mckinley Shipping. I'm 24 by the way. How old are you?"   Kinindatan niya pa ito.   Mukha namang natigilan ito. Saglit itong tumitig sa kanya saka umingos. "I'm 25"   Tumawa naman ang ama nito. "See she's intelligent Win. So please give her a chance."   Tinapik ulit ng matanda ang balikat niya bago halikan sa pisngi ang anak nito na tila inis na inis pa. Kunot na kunot pa rin kasi ang noo nito. Lukot ang mukha nitong bumaling sa kanya. Maya maya pa. Nagpaalam na ang matandang CEO sa kanilang dalawa. Sinabi nitong siya na ang bahala sa anak nito dahil may aasikasuhin pa ito.   Wala namang magawa si Winter dahil sabi ng ama nito. Ngayon niya na ipapasyal ang anak nito. And she was given a 1-month vacation para magawa iyon. Kahit pa ang kundisyon niya lang sa dalaga ay isang linggo. It's up to Winter daw kung ayaw na nitong siya ang mag libot dito sa branches ng kumpanya. Sa kanya pa rin daw ang bakasyon na isang buwan.   "So. Do you have a boyfriend?" Agad na tanong niya dito habang naglalakad lakad sila sa bawat floors ng kumpanya.   Hindi siya nito nilingon pero kita naman niya ang pagkunot ng noo nito. "Is that one of the qualification for being a CEO?"   Ngumiti na lang siya dito. Na c-cute-an siya sa pag kakakunot ng noo nito. "Nope but I realy wanna know."   "I--I have."   Hmmm...." So where is he?" Pinigilan niya ang namumuong pagkairita sa sistema niya. Kung sino man ang lalakeng iyon dapat gwapo siya kung hindi wala itong panama sa kanya. She will surely get Winter.   "J-Just----The guy I'm with. He's my boyfriend."   Napasimangot siya. Nakita nito iyon. At muntik na siyang matulala ng tumawa ito. Winter’s laughter is pleasant to listen to.   "Why did you ask? Kung sisimangot ka kapag nalaman mo?" Ngumiti ito. "Do you find me attractive?"   Napaawang ang labi niya. Those are the exact words she said before. Kung yung Carrie noon siguro ang nakilala nito ay tatanggi. But she knew her preference know.   Marahang tumango siya. Kitang kita niya ang pagkagulat sa blue eyes nito. Umawang ang bibig nito na parang may gustong sabihin. Mayamaya pa ay ibinaling na lang nito ang tingin sa ibang deriksyon. Pero kitang kita niya ang pag blush nito.   "L-Lesbian ka?" Nilingon siya nito. Still blushing. "Mas mahinhin ka pa sakin."   Napasuklay siya sa buhok niya. "Ikaw nga ang nagpabago sakin eh." Bulong niya   Kumunot ang noo nito. "Anong sabi mo?"   "Wala." She said. "Ang sabi ko. Oo. Mga 4 years ago pa. Akala ko din straight ako eh."   Tinitigan niya ang mukha nito kung may dadaang recognition sa mga mata nito. Saglit itong natigilan pero bigla ding nawala ang nakita niya dito. Carrie sighed. Maybe hindi talaga siya nito natandaan. Baka isa lang siyang libangan para dito noon. She doesn’t know why she felt disappointed.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD