"So how do you like my tour so far?" Carrie looked at Winter’s face. Kanina kasi ay nakasimangot ito pero ngayon ay paminsan minsan ay ngumingiti na ito.
Marahil ay alam na nito ngayon na alam naman niya ang mga pinag sasabi niya.
Nilingon siya nito. "It's ok."
Ngumiti pa ito. Nahahawa tuloy siya sa nga ngiti nito. Nagkatitigan sila.
"Mam excuse po!"
Nagulat man agad niyang niyakap ang bewang ni Winter dahil muntik na itong matumba sa pagkakabunggo ng lalake dito. Dinala niya ang katawan nilang dalawa palayo sa cart na dala ng lalake.
Nagkatitigan ulit sila. Kitang kita niya ang panlalaki ng mga mata nito sa posisyon nilang dalawa. Yet she was enjoying the feeling of their body pressed together. Feeling niya tuloy umakyat ang dugo sa mukha niya dahil ang lapit nila sa isa’t isa. She knew she's blushing. Napatingin ito sa braso niyang nakayakap dito pati na sa mukha niyang malapit din sa mukha nito. Nakaramdam siya ng kaunting ilang. Mukhang ramdam din nito ang nararamdaman niya kaya naman agad agad itong umalis mula sa pagkakayakap niya.
Napaatras din tuloy siya ng ilang hakbang dito. She fakes a laugh to hide what she felt, but it was an overwhelming feeling of embarrassment and giddiness.
Akala niya din tatarayan nito ang lalake. Kagaya ng ginawa nito sa kanya nung sa coffee shop but surprisingly Winter didn’t.
Carrie looked at Winter’s direction incredously. Hindi talaga kasi siya makapaniwala. Mukhang nakuha nito ang disbelief na gumuhit sa mukha niya.
Sumimangot ito. "Anong gusto mong gawin ko? Wala namang napahamak. Kaya ok lang."
"Ah so kung ako yung nakatapon ng kape sayo tinarayan mo ako."
Ngumuso ito. It made her look childish. "Syempre. Binasa mo yung damit ko eh. But that guy didn't pour something on me."
Napahalakhak siya sa sinabi nito. She was laughing for a while. At napansin niya ang biglang pagtahimik nito. Kaya naman napalingon siya dito.
Winter is looking at her like it's the first time she heard someone laugh. Nakangiting tinitigan niya ito. But Winter keep on looking at her bewildred.
Ilang minuto pa ang lumipas at napakunot noo na siya. "W-Winter?"
"H-Huh?" Umiwas agad ito ng tingin. "Uhmm. Sorry. It's just that your laugh is like a music to the ear. Masarap pakinggan."
Biglang lumakas ang t***k ng puso niya. It turned into a wild beat of a drum. In just simple words. Kaya nitong pahintuin ang mundo niya.
------------------------------
"Uhmm. Sorry. It's just that your laugh is like a music to the ear. Masarap pakinggan."
Pwede na bang tumili?
Kahit nasa sarili na siyang office. Hindi maalis sa isip niya ang sinabi ng dalaga sa kanya.
Napakagat labi pa siya. Then she tried to replay Winter's expression that time. Parang nagulat ito and amusement was written in those eyes.
'Well it's just the beginning. I will make you fall Winter'
Gustuhin man niyang tumili. She can't because her secretary is just outside the door. Isa pa napaka weird naman kung titili siya ng walang dahilan. Ibinalik na lang niya ang tingin sa binabasang documents na nasa lamesa niya.
"Miss Carrie. Miss Federico is here." Sumungaw sa pintuan niya ang sekretarya niya.
Napaangat siya ng tingin mula sa binabasa niyang reports. Napakunot noo siya. Akala niya sa susunod na araw pa ito magpapakita sa kanya. Tapos na ba ang photoshoot session nito sa Canada? Or Georgina is being clingy again?
Sinabi niya nang mag text ito kapag pupuntahan siya sa office niya. Hindi yung bigla bigla na lang itong susulpot.
Carrie sighed. "Let her in."
Tumango ang sekretarya niya. Nakita niya agad si Georgina na ngiting ngiti habang papasok sa loob.
"Baby" Agad siyang nitong niyakap. Saka kumandong sa kanya.
Nahihiyang umiwas na lang ng tingin ang sekretarya niya. Saka ito lumabas at sinara ang pinto. Nang makaalis na ito agad niyang binaling ang tingin kay Georgina. "What are you doing here? Sabi ko sayo mag text ka kung pupuntahan mo ako dito."
"But I miss my baby. Besides I'm feeling horny."
Bumukas ang bibig niya para sana mag salita nang halikan nito ang labi niya. Nagsimula na din itong tanggalin ang butones ng blouse niya na pilit niya namang pinipigilan sa pag gapang kung saan saan sa katawan niya.
"George. W-Wait."
May appointment pa siya kay Winter. Nangako siya dito na sabay silang mag l-lunch. At papasyal sa branch sa Bulacan.
Pero parang walang narinig na hinalikan naman ni Georgina ang leeg niya.
"George. Babe..." napamura siya sa isip niya ng marahang kagatin nito ang gilid ng leeg niya malapit sa jaw line niya. At marahan din nitong sinipsip iyon. Napaungol siya. That will surely leave a mark.
Unti unting gumapang ang init sa katawan niya. Nakakaramdam din siya ng matinding pagnanasa ngayon pero may pangako siya. Magagalit si Winter kapag pinaghintay niya.
"I have a meeting today at lunch."nahihirapang bigkas niya.
Nag angat na ito ng paningin. Kunot ang noo nito.
Nakahinga siya ng maluwag.
"Just ditch it. Is it so important than me?"
Napapikit siya. It's damn important, dahil ang matagal niya nang hinahanap na babae ang kakatagpuin niya. Georgina was just a temporary distraction. Wala itong pinagkaiba sa mga babaeng tinuturing niyang pampalipas oras. But still she respects all of them pero hindi nun mapapalitan ang matinding obssession niya kay Winter noon pa man.
"It's important because it's----"
Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng biglang bumukas ang pintuan ng office niya. And there, Winter was standing shell shocked. Nagpalipat lipat pa ang tingin nito sa kanilang dalawa.
Mukhang hindi nito inaasahan ang nakita sa office niya. She had some buttons undone. At nakapatong sa kanya si Georgina. Kahit sino ang tumingin halatang may ginagawa silang milagro.
Saglit siyang napapikit ng mariin. s**t!
"I-I'm sorry Miss Mendez.” Nag mamadaling pumasok sa office niya ang secretary niya. Mukhang sising sisi ito na pinapasok si Winter sa office niya. “Miss Winter wants to talk to you. But I told her you're busy at the moment."
"Mukha ngang busy siya." Nakabawi agad si Winter sa nakita. Winter’s lips formed into a thin line.
Agad naman siyang tumayo. Muntik pa ngang matumba si Georgina sa ginawa niya.
“Carrie!” Tila hindi naman ito makapaniwala na magagawa niya iyon dito.
She buttoned her blouse. "W-Winter. It's not what you think. I'm---"
"You don't need to explain. You two had a relationship so it's natural. I will just wait for you at the lobby."
Pagkasabi nun. Tumalikod na ito. Kasunod ang sekretarya niya na yumuko at nag sorry sa kanya.
Georgina glared at her. "Sino yun?"
"Si Winter Mckinley. COO ng kumpanya."
"Ah so she's bigtime. Do you like her?"
Namewang pa ito. Doon na siya napalingon dito. Kumunot din ang noo niya. "What are you trying to say?"
"She's bigtime so I think you want to go for her. Break na ba tayo?"
Nainis siya sa sinabi nito. Anong tingin nito sa kanya? Isang gold digger? Isa pa mukhang hindi nga siya naaalala ni Winter.
"What are you saying Georgina?" Lalong kumunot ang noo niya.
"Just what I said. Tapos ka na sa tatay so sa anak naman na mas prefer mo dahil yun ang s****l orientation mo."
"Alam mo Georgina. Nakakainsulto ka. I didn't go with you because you are a model or rich. I made you my girl because you made me feel special. Pero wala kang pinagkaiba sa ibang babae na naniniwala sa mga tsismis. Those rumors are not true."
Napahinga siya ng malalim. She didn't get the position she's in because she slept with Winter's father. That's all a rumor, nothing else. Natutuwa lang talaga sa kanya ang matanda dahil masikap siya at matalino.
Natigilan naman ito. She knew Georgina didn't mean to say those words. Pero nasabi na nito at nasaktan na siya. "Carrie I---"
Tinaas niya ang kamay niya."Don't say anything anymore. I completely understand. This relationship will not last if you have that kind of perception about me." Huminga siya ng malalim at tinitigan ito sa mata. "I'm sorry. Let's break up."
Nakita niya ang pagtulo ng luha nito. But she can't take back what she said.