(Carrie’s POV)
The ride to the other branch was spent in silence. Hindi siya nito kinakausap kahit anong pag o-open niya ng topic. Kung hind tango ay iling naman ang sagot nito sa mga tanong niya.
Mukhang naiinis pa din ito sa kanya. She sighed. Iniwan niya na nga si Georgina sa office niya kahit pa gusto pa siya nitong kausapin. She also tried to explain to Winter. Pero sa tuwing mag sasalita siya. Pinuputol siya nito. Kagaya na lang ngayon.
"Winter what you saw was----"
"There's nothing for you to explain Miss Mendez. I'm not your girlfriend."
"What I mean is---" Frustrated na inangat niya ang kamay para mag explain pero ni hindi siya nito nililingon.
"It's not my business who you f**k with. Ang akin lang sana naman pumili ka ng tamang oras."
Nagsalubong ang kilay niya. Halata sa boses nito ang pagkainis na hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling.
Inihinto niya ang kotse sa gilid ng kalsada. She doesn't care anymore where they are. Unti unti na din kasing napupuno ang pasensiya niya. At kapag hindi pa siya nakakuha ng matinong sagot dito ay baka sumabog siya.
"Why did you stop the car?!" Hiyaw nito sa kanya.
Saglit niya itong nilingon. Saka siya napahilamos sa mukha niya. Kung sasabayan niya ang init ng ulo nito. They would just argue all day. Ayaw niya naman na ma-disappoint ito dahil unang una ito ay anak pa rin ng boss niya.
"I just want to know what's wrong, Winter. Kanina mo pa kasi ako sinusungitan." Mahinahon ang boses niya. Pigil na pigil niya din ang sarili na sabayan ang init ng ulo nito. Siguro dahil mainit din at alam niyang ilang oras na din silang nag b-biyahe.
"There's nothing wrong! So please can we get going already!"
Pinag krus pa nito ang braso sa dibdib.
"What is really your problem Winter?!" Hindi niya na napigilan ang pag taas ng boses niya. Napupuno din naman siya dahil pagod na nga siya sa biyahe ay nagugutom pa siya.
Nagkatitigan sila nito. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magpatalo sa titigan na yun. Sinalubong niya ang titig nito. But there was a sudden shift in Winter's emotion na napansin niya. Did she just see lust in those eyes?
"Uhmm...I think we need to keep moving. I-I'm sorry for bursting on you. Mainit lang ang ulo ko." Umiwas ito ng tingin. "Nag away kami ni Jah. He didn't tell me he's going away somewhere in Pacific."
She felt something prick her heart. Nag i-ilusyon lang talaga siya kanina. Mukhang mahal talaga nito yung Jah.
Napatiimbagang siya. Unti unting kumunot ang noo niya. She wants to ask Winter directly kung naalala siya nito pero mukhang malabo yun dahil inis pa rin ito sa kanya. She was also wondering kung may kambal ba ito dahil ibang iba ang Ms. Blue eyes na kilala niya noon.
"May kambal ka ba?"
Nakita niya ang saglit na pagkalito dito. Pero kung may nabasa man siyang kakaiba sa mga mata nito. Mabilis lang iyon na nawala dahil tumingin ito sa bintana.
"W-Wala."
'Then how come you couldn't recognize me?' Yan sana ang gusto niyang itanong. But she kept it to her self. Mukhang may dahilan ito kaya tinatago nito ang sekreto na yun sa kanya. And she needs to find the reason why. Hindi yung ganito na bigla siyang sasaya sa mga banat nito. Then the next thing she knew, masasaktan na naman siya dahil mukhang straight ito. She hates f*****g mixed signals!
"Tara na nga! Mamaya niyan matagalan pa tayo sa paglilibot sa branch na yun." Hindi na ito sumulyap sa kanya.
Hindi na siya nag salita at pinaandar na ang sasakyan, but then when it quickly started it quickly went down with a jerk.
"Oh my---"
Napatapik siya sa noo niya. Matagal na din kasi ang kotse niya. Kaya siguro nag loko na naman ang makina nito. Mayabang pa siyang nag presenta na sasakyan na lang niya ang dalhin nila.
Bumaba si Winter habang pinapadyak ng malakas ang paa sa lupa. Napasabunot pa ito sa buhok. Mukhang na badtrip na talaga ito.
"We're in the middle of nowhere! Gosh! Why did you suggest to just take your car?!"
Napayuko na lang siya. "I'm sorry......but we need to get going. Mag commute na lang tayo. Then papakuha ko na lang ito sa talyer."
Nakita niya ang pag angat nito ng kamay sa ere, pero agad din nitong ibinababa. Kahit anong pihit niya sa susi. Ayaw na talagang mag start. They even tried to push the car to make it move pero wala pa ring nangyari. She even tried to call on her cellphone, para ipa tow ang sasakyan niya, pero walang signal. Kaya ni-lock niya na lang ang kotse.
Napalingon siya sa paligid. They are in the middle of nowhere. Maraming puno pero kalsada naman ang daan. Sinusundan niya lang si Winter sa paglalakad na tumahimik na lang bigla.
"Say....How did you meet this Jah?"
Saglit siya nitong nilingon." Kababata ko si Jah."
"Ah." Akala niya hindi siya nito sasagutin dahil nga naiinis pa ito sa kanya.
Katahimikan ulit. Mukhang ayaw na nitong makipag usap sa kanya. Kaya nanahimik na lang din siya. Hanggang sa may matanaw silang mga kabahayan na malapit sa highway. Nakaramdam siy ang pag asa.
Nag text na siya sa secretary niya dahil mukhang may signal na naman doon. Pero kung maghihintay sila doon. Matatagalan pa bago dumating ang maghihila ng sasakyan. Nag antay silang dalawa ni Winter sa gilid ng kalsada para sa mga dadaang bus sa lugar na yun. And luckily they found one na punotng puno naman.
"Diyan mo ako papasakayin?" Sinilip pa ni Winter ang loob ng bus. "Eh mukhang sardinas na ang mga tao sa loob niyan."
Napabuntonghininga siya. Totoo ang sinabi nito. Pero wala naman silang choice. Bus lang ang meron para makapunta doon.
"Sige na Winter. Dalawang oras lang naman na biyahe."
---------------
(Winter’s POV)
Winter almost rolled her eyes but she stopped herself.
Ang totoo niyan naiinis talaga siya kay Carrie. Kaya pala 30 minutes na siyang nag aantay dito kanina. May iba pala itong 'tina-trabaho'.
Pinanlakihan niya ito ng mata. Inaantay kasi siya nitong pumasok sa loob ng bus, pero mukhang wala silang choice. Kahit naman kasi papuntahin niya ang sasakyan sa lugar na 'to. Siguradong kasing tagal din ng pinagpakuhaan ni Carrie para sa taga hila.
She reluctantly climbed aboard. Muntik na siyang madulas. Mabuti na lang nahawakan siya ni Carrie sa bewang. Saglit siyang napaigtad sa init ng kamay nito.
She can feel Carrie's warm hands and it shoots tingles down her spine. Kinilabutan siya bigla but in a good way na hindi niya maintindihan.
Napapikit pa siya saglit. She shook that familiar feelings. Agad siyang humakbang papasok. Mukha kasing itutulak na lang siya nung lalake na nakauniform na nagpapasok sa kanila sa bus kung di pa siya tuluyang papasok sa loob.
"Excuse us." Carrie said behind her back. Nakaalalay ito sa pag pasok niya sa loob. Nakalagay ang dalawang braso nito sa tagiliran niya.
Tumatama ang hininga nito sa batok niya. Ramdam niya tuloy ang pagtayo ng balahibo niya. The shivers came back full force. Nakakapag taka lang dahil tila gusto iyon ng katawan niya.
"Carrie......"
"Yeah?"
Ayan na naman yung hininga ni Carrie pero dahil masikip sa bus. Hindi siya makalingon dito para ibulong n asana wag itong masyadong mag salita dahil nakikiliti siya sa hininga nitong tumatama sa likod ng tenga niya. She was pressed in all directions for goodness sake!
Then she felt something on her butt. Napaigtad siya. Someone is squezzing it! Nanlaki ang mga mata niya. It wasn't even Carrie's hands! Magaspang at makalyo ang kamay ng humahawak sa pwet niya!
"Carr---"
Hindi niya natapos ang pag banggit niya sa pangalan nito dahil biglang sumigaw ang lalake na nanghawak sa pwet niya.
Tinapakan pala ni Carrie ang paa ng lalake na naka tsinelas lang ng takong nito.
Ang sama ng tingin nito kay Carrie. Napangiti naman siya sa ginawa nito. Mukhang gentlewoman at maaasahan naman pala ito sa ibang bagay. Ang ending tuloy ay pinaupo siya ng isang babae na nasa harap niya. Mabuti na lang at bumaba na din naman yung lalakeng nang hawak sa pwet niya.
Ang sama na din kasi ng tingin dito ng ibang pasahero dahil sa ginawa nito. She smiled gratefully at Carrie, kahit hindi nito nakikita.
She liked how Carrie is so caring at napaka gentle nito kahit na nasungitan niya kanina.