Nakakunot ang noo niya habang tinititigan si Carrie mula sa pwesto niya. Kanina pa siya nito hindi kinikibo. Matapos ang ginawa at inamin nito sa kanya. A part of her felt glad na gusto siya nito. Pero sa kanya nga ba o doon sa babaeng nakilala nito 3 years ago? And what was that? Hindi maintindihan ni Winter ang sarili niya. She liked being that close to Carrie. Tila magnet na inaakit siya ng mga labi nito kanina na para bang gusto niya itong halikan. But she knows she was straight. At bakit naman siya nito pag kakamalan bilang ibang tao? Bakit tila na-disappoint siya na gusto ni Carrie ang taong iyon? Yun talaga ang nag papakunot ng noo niya at nag papasakit ng ulo niya. Who is Miss Blue eyes? She racked her brains for answers but she can’t find anything. Basta ang alam lang