"I'm sorry," Narinig n'yang bulong ni Lianne na saktong umabot lang sa tenga n'ya. Kumibot ang labi n'ya at tinitigan si Lianne na halatang hindi komportable sa sinasabi. "Did you just sorry Lianne?' Tanong n'ya rito. Nag angat ito ng mukha at tumango sa kanya. Para itong batang nagso-sorry sa kanya. Nawala ang tapang at taas ng noo nito. Napalitan ng maamong mukha na tila di makabasag pinggan. Ang ganitong aura ni Lianne ang nagpapaakit sa kanya. Magandang mukha, inosenteng mukha ni Lianne ang tila nagbabaliw sa kanya ngayon. Umalis s'ya ng bahay kahapon dahil sa inis n'ya kay Lianne. Inis na inis s'ya dahil patuloy na paghahabol nito sa walang kwenta nitong ex boyfriend. Lianne is perfect, kung hindi sana isang katulad lang ni Glenn ang naging ex boyfriend nito. But, anyway tapos na r