Habol ang paghinga n'ya ng pakawalan ni Gab ang mga labi. Taas baba pa rin ang dibdib sa tense at pleassure na ginising ni Gab sa katawan n'ya. Nakakahiya ilang beses na s'yang tumanggi kay Gab, pero patuloy pa rin s'ya sa pag ganti sa mga halik nito. Kung bakit naman kasi hindi n'yang kayang kontrolin ang sarili. Hindi n'ya dapat hinahayaan si Gab na gawin ang gusto nito sa kanya. Matatalo s'ya sa huli. Pagtatawanan s'ya ni Gab at mabibilang s'ya sa mga babaing naikama nito. Hindi n'ya gustong mangyari 'yon sa kanya. Pero paano n'ya magagawa 'yon kung ang sarili n'yang katawan ang nagtatraydor sa kanya. "I can't take you here, Lianne," bulong nito habang kahibla lang ang layo ng mga labi nila sa isat-isa. Dumadampi ang mainit na hininga nito sa mga labi n'ya. Kaya nama patuloy na umiini