Gab-35

1728 Words

"What was that, Lianne?" Tanong ni Gab ng makapasok na sila sa opisina ng asawa. "S'ya ang nauna," inis na sagot n'ya at pinaikot ang mga mata. Binagsak ang katawan sa sofa at pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib. Sumimangot s'ya. Nasira ang araw n'ya dahil sa Debbie na 'yon. "Pinatulan mo naman?" Tanong ng asawa at humakbang palapit sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko? Hayaan s'yang ali-aligid sa iyo?" Inis na tanong n'ya nag angat ng mukha. May nakita s'yang amusement sa mukha ng asawa. Tila nasisiyahan pa ito sa nararamdmang inis kay Debbie. "Lagi ka ba n'yang pinupuntahan dito?" Taas kilay na tanong sa asawa. Kumibot ang ibabang labi ng asawa at kunwari'y nag-isip muna ito. Lalo s'yang nainis at tumayo mula sa kinauupuan. "Tell me, Gab madalas ba kayong magkita ni Debbie dito?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD