"How's your new life?" Tanong ni Giovanni sa kanya ng hapong datnan s'ya ng kapatid sa G.S Bar. Kapatid ang n'ya si Giovanni, maaaring anak nga ito sa labas ng Papa n'ya kapatid pa rin n'ya ito. At kung ano ang turing n'ya kina Gavin at Gael ganoon rin pagdating kay Giovanni. "Better than I expected," may ngiti sa mga labing sagot n'ya kay Giovanni. "I'm happy for you, for having a healthy relationship," sabi ni Giovanni at nilagyan ng alak ang kopita nito. "Maybe dahil maaga kong tinanggap sa sarili ko na in-love na pala ako sa misis ko," sagot n'ya sa kapatid. Isa kasi sa nakaganda sa samahan nila ng asawa ay ang pareho nilang pag aming mag-asswa sa tunay nilang mga damdamin. When he felt something unsual sa feelings n'ya kay Lianne, sinuri n'yang mabuti ang sarili at pilit na inalam