"Saan tayo mag di-dinner?" Tanong ni Lianne ng makasakay na sila sa kotse. "D'yan lang," tipid na sagot n'ya. Magulo kasi ang isip n'ya. Ang daming tanong na gumugulo. "Para sa akin ba ang mga 'yon?" Tanong ng asawa. Liningon n'ya ito at nakitang nakatingin ito sa mga bulaklak sa likod ng kotse. "Yes," tanging sagot n'ya. "Wow," sabi ng asawa at pilit kinukuha ang mga bulaklak. "Ang ganda," puri nito sa mga bulaklak at inamoy-amoy ang mga 'yon. Mukhang hindi magsasabi ang asawa kung sino ang kausap nito. S'ya na ang magtatanong, bahala na kung anong mangyari. Basta kailangan n'yang malaman kung magpa hanggang ngayon ba ay may damdamin pa ito sa gagong 'yon. "Sino 'yung kausap mo Lianne?" Tanong n'ya. Alam naman n'ya kung sino 'yon. Nais pa rin n'yang magmula sa asawa ang kasagutan