"Sunduin kita mamaya, mag dinner tayo sa labas," sabi n'ya kay Lianne ng ihatid ito sa opisina nito. "Sige," sagot nito na medyo matamlay pa rin, hindi gaya ng dati. "I love you," sabi n'ya at hinalikan sa mga labi ang asawa. "I love you," sagot naman ng asawa sa kanya. Ngumiti s'ya at bumaba ng kotse para pagbuksan ang asawa. Magpa hanggang ngayon wala pa ring linaw kung ano ang dahilan ng pagtamlay ng asawa sa kanya. Although ginagawa naman n'ya lahat para maayos ang pagsasama nila. Wala naman s'yang ibang maisip kundi si Glenn na nasa kulungan na ngayon. Naisip n'yang baka may feelings pa rin ang asawa sa ex nito, kaya ito nalulungkot ngayon at nanlalamig sa kanya. Kagabi may nangyari sa kanila at inakala n'yang ok na ang lahat sa kanila. Pag gising n'ya ramdam na naman n'ya ang p