Kanina pa s'ya sa loob ng kotse, hinihintay ang paglabas ni Glenn sa pasugalan. Hindi n'ya mapapalampas ang sumbong ng asawa sa kanya. Kailangan na n'yang turuan ng leksyon ang gagong ito para tigilan na ang asawa n'ya. Wala rin karapatan ang gago ito para madikit sa pangalan ng asawa n'ya, pati na sa pangalan n'ya. Hindi n'ya inaasahan na isang buwan pa lang ay babalik na kaagad ng San Sebastian si Glenn. Baka naubos na nito ang limang milyon, at balak s'yang peraan muli. Hindi na s'ya maglalabas pa ng pera, wala na itong makukuha pa sa kanya. Sigurado na s'yang mahal s'ya ni Lianne. Mabilis s'yang bumaba ng kotse ng makitang lumabas si Glenn sa pasugalan. Sinipa pa nito ang basurahan sa labas. Mukhang talo ito at mainit ang ulo. Lumapit s'ya kay Glenn at agad na hinila ito sa damit. Na