Sa bonggang binyag ni Grey umattend lahat ng kapamilya at mga kaibigan nila ni Gab. Marami ding mga kasosyo ng Daddy n'ya ang na invite. Kaya hangang-hanga ang mga ito sa Daddy n'ya dahil isa Saavedra ang napangasawa ng nag-iisang anak ng mga Gomez. Kitang-kita n'ya ang pagmamalaki sa bawat ngiti ng Daddy n'ya. Alam n'yang para sa ama power, connection and money ang rason nito kaya s'ya pinapakasal kay Gab. Pero para sa kanya at kay Gab love ang dahilan nila kaya sila nagpakasala. Pwedeng noong una hindi nila agad na realized ang bagay na 'yon but still heart can't deny, sabi nga nila pag mahal mo, mahal mo talaga, at hindi mo 'yon matatago. "Tulog nanaman s'ya," sabi ni Gab ng lapitan silang mag-ina na pinagmamasdan ang magandang ayos sa bakuran ng Isla. "Napagod sa mga bisita n'ya," sa