Kinabukasan sakay ng sariling yate ni Gab nagtungo sila sa kabilang Isla kung saan ang bahay nina Giovanni at Iya. Isang Isla at malaking bahay din ang iniregalo ng Papa ni Gab kay Giovanni. Katulad ng kung ano ang binigay nito sa mga magkakapatid. Pantay pantay ang turing ni Gabriel sa apat na anak. Kung ano ang meron ang isa meron din ang iba. Kaya naman nagtutulungan ang apat, kahit sabihin pang anak sa labas si Giovanni. At isa pang nakamamangha ay ang Mama ni Gab, dahil anak din ang turing nito kay Giovanni. Maganda at malaki din ang Isla ni Giovanni hindi nalalayo sa Isla ni Gab. Namangha pa s'ya sa ganda ng pagkaka desenyo ng asawa. Isang magaling na architect talaga ang asawa n'ya unique ang mga design nito. Naroon na lahat sila na lang pala ang wala pa. Kaya tuloy nababansagang