Tinupad ni Gab ang pangako nitong pagpapatayo sa kanya ng Art Galery sa Saavedra Mall. At sa unang araw ng pagbubukas n'ya sa Galery, umattend ang lahat ng mga kapatid ni Gab kasama ang mga asawa ng mga ito. Pati na rin ang mga magulang nila ay dumating. Ang Daddy n'ya biglang natuwa ng makita ang mga pinta n'ya, wala s'yang narinig na hindi maganda sa ama. Pinuri pa s'ya nito sa kanyang mga obra, bagay na kinagulat pa n'ya dahil ayaw na ayaw ng ama sa hilig n'yang magpinta. Pero ngayon tila nabaliktad na ang mundo, proud na sa kanya ngayon ang Daddy n'ya, dahil 'yan kay Gab. "They love your art, na amazed mo sila sa talento mo sa pagpipinta," sabi ni Gab sa kanya habang nakatingin sa mga taong naroon para tumingin sa mga painting n'ya. At ang nakakatuwa ay may mga bumibili na rin. "Tha