Chapter one hundred twenty eight CLARK’S POV’S Delekado kapag iniuwi ko si Madison sa bahay nila, kaya naman tinawagan ni Fame ang mga magulang niya para ipaalam na nasa bahay nila si Madi. Itong si Rowan naman dinala n ani Fame sa kabilang kwarto. Mabuti na lang walang ibang kasama si Fame dito, kaming apat lang. “ Ikaw na bahala kay Madison ah, nagsusuka kase si Rowan.” “ Yeah I know.” “ Ilapag mo na lang siya sa dulong kwarto.” Maraming kwarto dito at doon pa talaga sa dulo? Baka doon lang malinis. Natutulog na ata itong binubuhat ko. Pawis na pawis na rin siya dahil sa alak. Hindi pa kase bukas ang aircon kaya pinagpapawisan ngayon si Madi. Inilapag ko siya sa kamay kaso hindi niya pa rin inaalis yung pagkakakapit niya sa akin kaya napapatong ako sa kanya. “ Madi bitaw.”