Chapter one hundred forty one CLARK’S POV’S Inaabnagan ako palagi ni mama tuwing uuwi ako sa bahay, hinihintay niya kung may sasabihin ako sa kanya tungkol kay Madison. Pero hindi ko naman pwedeng ipahamak si Madi. “ Wala nanaman? Ang tanga mo naman Clark! Pwede ka naman magtanong sa admin niyo!” “ Ma, mahirap magtanong doon masyado silang mahigpit.” “ Maski na, nasa loob ka na ng campus malamang naman mahahanap mo siya, kainsi!” “ Ma, itigil mo na kase to, malay mo naman hindi totoo yang hinala mo.” “ Paanong hindi totoo ha? Nakita mo ba? May alam ka ba?” “ Wala.” “ Yun naman pala, huwag kang magpapayo sa akin na tumigil dahil hindi mo ko naiintindihan.” “ Dapat si Steve ang sinasabihan mo, hindi yung babae, siya itong umaaligid sa kanya.” “ Paano mo nalaman na si Steve ang um