Chapter fifteen STEVE’S POV’S Napapakapit na ako sa patalim ngayon, pagaling na ang kapatid ko at kailangan ko ng pambayad ng ospital, tapos paubos na rin ang gamot ni mama kaya inaalala ko nanaman ang pera ko. Napatingin nanaman ako s acalling card ni Christine. Bahala na, wala akong mapasukang trabaho kaya bahala na kung anong mangyari, para sa pamilya ko itong ginagawa ko. Tinext ko si Christine kung pwede ko ba siya makita ngayon. Ang tagal niyang magreply kaya tinawagan ko siya. “ He-hello?” [ Yes Steve?] “ Umm, pwede ba kitang makita ngayon.” [ Ha? Ngayon? Bakit?] “ Magbabayad ako ng utang ko kaso konti lang.” [ Ah okay sige, nasa maal kase ako at—] “ Pupuntahan kita diyan.” “ Okay sure.” Sinabi niya agad kung saang mall siya ngayon, malapit lang yun dito kaya agad ako