Chapter sixteen MADISON’S POV’S Sinadya ko na agahan pumunta dito sa ospital para maabutan si Steve, at hind inga ako nabigo nandito nga siya. “ Oh, Madi? Bakit ang aga mo?” “ Gusto kitang maabutan.” Sagot ko kay Steve. “ Kahapon ka pa niya hinihintay, pabalik balik siya dito sa ospital para makita ka lang.” dagdag ng mama ni Steve. Tumayo si Steve at niyakap ako ng mahigpit. “ Sorry.” Iba talaga itong kutob ko, bakit siya nagsosorry? Hindi naman ako galit? Ewan ko bigla akong kinukutuban ng kakaiba, hindi naman siya ganyan kapag hindi kami nagkikita, ang madalas niyang sabhin kapag ganito kami kadalang magkita ay babawi ako bukas, magdat tayo bukas, labas tayo mamaya, ililibre kita ng palamig o fishball. Mga ganyang bagay lang pero bakit umiba ang meaning ko sa sorry niya ngayon?