Chapter one hundred fourteen. MADISON’S POV’S Naaawa ako kay Clark pero mas naaawa ako sa mama niya, pareho silang nagdudusa dahil kay Steve, hindi ko naman mapakiusapan si Steve wala na siyang pinapakinggan kung hindi ang sarili lang niya. Dalawang araw na absent si Clark, nagtetext din siya sa akin tungkol sa nangyayari sa bahay nila kaso madalang lang. Depress na masyado ang mama niya sabi niya sa akin, kahit daw hindi ito magsalita tungkol sa nangyayari at nararamdaman niya ay makikita naman daw sa kilos niya na sobrang nadepress ang mama niya, palagi daw itong tulala kaya binabantayan siyang mabuti ni Clark. Wala akong magawa. Naalala ko ang mama ni Steve, baka sakaling makinig siya dito, puntahan ko kaya? Hays bahala na. Pinuntahan ko ang mama ni Steve pagkatapos ng klase ko,