Chapter one hundred thirty CHRISTINE’S POV’S Unang araw ng klase ni Steve, maaga akong nagising para ipaghanda sila ni Clark ng makakain. I don’t have a choice, kase kapag tumanggi ako sa gusto ni Steve ay baka ipilit nanaman niya yung annulment namin. Kaya susuportahan ko na lang siya, may alas pa naman ako, itong pagpapanggap ko na buntis ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako maiwan iwan ni Steve. “ We’re not a kid anymore, matulog ka lang ma, maaga pa oh.” Sabi ni Clark sa akin. “ Ano ka ba, okay lang ako, mahaba na tulog ko, gusto ko naman itong ginagawa ko.” “ Aalis na ako.” Nagmamadaling umalis si Steve. Hindi man lang niya ako hinalikan bago umalis, derederetso lang siya sa paglalakad hanggang sa kanyang sasakyan. “ Need to go mom.” Mabuti pa si Clark, hinalikan ako sa