Chapter seventy seven MADISON’S POV’S Ang ganda ng umaga ko kahit namamahay ako, hindi ako nakatulog ng maaga kase nanibago ako sa bago kong kwarto. Pero atleast wala ng mananakot sa akin. Wala na akong kakatakutan at pangangambahan ngayon. “ Good morning.” Bati sa akin ni Clark. “ Good morning din.” Pareho kaming nakangiti, ewan ko kung bakit nakangiti rin siya, may nangyari kayang maganda? “ Ang saya mo ata?” tanong niya sa akin. “ Ikaw rin naman ah.” Sagot ko. “ Yeah, I’m happy.” “ Masaya ako kase malaya na ako.” “ Me too.” “ Ha?” “ Masaya rin ako kase malaya ka na.” Bakit parang iba ang intindi ko doon, masaya siya dahil single na ako ganun ba? Hindi ako nakaimik sa sinabi niya, namumula ako alam ko kase naman si Clark ang galing sumegway. Sa kanya na ako kinikilig ngayon