Chapter seventy eight STEVE’S POV’S Pumayag na lang ako sumama kay Tin para hindi siya madismaya sa akin, sigurado akong pagdududahan niya ako kapag hindi ako sumama sa kanya. Pangalawang araw ko na dito sa Palawan. Siya lang ang natutuwa dahil ako? Inaalala ko kung saan ko hahanapin si Madison, baka lumipat na rin siya ng eskwelahan at tirahan. Hindi yun pupunta sa mga magulang niya dahil alam kong ayaw niyang makisama sa mga kapatid niya doon at sa step mom niya. “ Madi saan ka nagtatago.” Banggit ko. Bukas pa ang uwi namin ni Tin, hindi ko rin marelax ang utak ko dito dahil kay Madison. Kinuha niya ang phone ko para wala na akong maipantakot sa kanya. At tuluyan na niya akong iwasan. Hindi ko talaga akalain na magagawa niya ito sa akin, akala ko babalik na kami sa dati dahil si