Chapte eighty six MADISON’S POV’S Wala si Clark ngayon nagpaalam daw siya na aabsent ngayon sabi ng classmate namin, hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol doon. Nakatulog ako ng alasyete kagabi at nagising ako ng ten at may pagkain na sa labas ng bahay ko, siguradong siya yung naghatid nun. Mabuti na lang hindi kinain ng aso. Tinext ko siya kung bakit hindi siya pumasok pero dalawang oras na ang nakakalipas hindi parin siya nagrereply. Hindi na ako nahihilo o naduduwal, maayos na ang pakiramdam ko. Hindi kaya napag isipan ako ng masama ni Clark? Akala niya nabuntis ako ng ex ko? Alam kong maiisip niya yun dahil matalino siya, madali siyang maghinala lalo sa mga importanteng bagay at tao. At halos lahat ata ng hinala niya nagkakatotoo. Nasanay na talaga ako kay Clark, kapag wal