Chapter eighty five MADISON’S POV’S Paggising ko ang sama ng pakiramdam ko, nahihilo ako at ang bigat ng ulo ko pero kailangan ko parin pumasok. Ang dami naming subject ngayong araw ayoko maghabol ng lesson, ang hirap kaya lalo kapag major subject. Kahit mabigat ang pakiramdam ko pinilit kong pumasok, pagdating sa gate ng campus parang nagiging dalawa lahat ng nasa paligid ko kaya huminto ako sa gilid at umupo. “ Oh Madi, anong problema?” si Fame nakita ako na nakaupo sa gilid ng gate. “ Nahihilo kase ako.” “ Huh? Ipupunta kita sa clinic.” “ Hindi na, may klase pa ako mamaya.” “ Sure ka? Namumutla ka oh.” “ Oo, kailangan kong umattend ng klase.” “ Kung ganun ihahatid na lang kita sa classroom mo.” “ Salamat.” Nagpahatid ako kay Fame dahil may konting hilo pa akong nararamdaman