Chapter one hundred forty five STEVE’S POV’S Ilang araw na akong nakatira dito kanila mama at papa at nawala lahat ng lungkot ko ng dahil sa kanila. Hindi ko pa rin makalimutan na magkakaroon sana ako ng anak pero nagpapasalamat ako sa kanila na naibsan ang lungkot ko tuwing kakausapin nila ako. Si mama, bumalik na sa dati ang trato niya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. “ Anong balak mo sa binili mong bahay, sayang naman yun.” Sabi ni papa sa akin. “ Ibebenta ko na lang.” sagot ko. “ Ha? Ibebenta? Sayang naman anak.” Dagdag niya. “ Mas mabuti pa nga.” Sabat naman ni mama sa akin. “ Mukhang natatauhan ka na.” “ Yung napagbentahan ko sa bahay ay ibabalik ko rin lang kay Christine, yung naipon ko sa trabaho ko ang iiwan ko sa savings ko.” Sagot ko sa kanila. Ngumiti si mama at nil

