Chapter one hundred forty four CLARK’S POV’S Tinawagan ako nila yaya dahil nag aaway daw sila Steve at mama, nagmadali akong umuwi para sa kanila. Nagsisigawan daw sila sa kwarto at baka kung anong mangyari kaya tinawagan nila ako agad. Hindi na ako pumasok sa sumunod na subject ko, hindi ko na naabutan ang sagutan nila mama at Steve ng makarating ako sa bahay. Nakita ko na lang na umiiyak si mama habang si Steve naman ay palabas na ng bahay, tinanong niya ako kung may ala mako, sa tingin ko ay nalaman na niya na nakunan si mama. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkagulat ko sa nangyayari sa kanila. Nilapitan ko agad si mama dahil nagmamakaawa siya kay Steve na huwag siyang iwan, samantalang si Steve naman ay tuloy tuloy lang sa paglabas sa pinto. Iyak ng iyak si mama habang sumis