Chapter one hundred two CHRISTINE’S POV’S Lumabas kami ni Sharon para naman mawala stress ko kahit papaano, iba ang ambiance sa bahay lalo kapag nagkikita sina Clark at Steve. Hindi ko na alam ang gagawin ko tuwing mag aaway silang dalawa, hindi ko naman sila pwedeng paghiwalayin dahil anak ko si Clark at asawa ko si Steve. “ Parang baon na baon ka sa utang sa itsura mo ngayon, may nangyari ba?” “ Nagsuntukan sina Steve at Clark.” “ Ha? Nagsuntukan? Bakit?” yun din ang gusto ko malaman talaga, ang dahilan kung bakit galit na galit sila sa isat isa. Ayon naman sa private investigator ko wala naman siyang nakikitang ibang babae na nakakasama ni Steve, kahit na ganun ay pinapasundan ko pa rin siya. “ Hindi naman talaga sila magkasundo noon pa, hindi ko maintindihan mga lalaking yun, h