Chapter one hundred three CHRISTINE’S POV’S Hindi ko mapigilan magwala sa opisina ni Steve, ibinuhos ko lahat ng sama ng loob ko kaso kulang pa, nanginginig pa ako sa sobrang inis. Hindi ko maimagine na magkakaganito kami, na maiisipan niya magpaannul sa akin, binigay ko naman lahat lahat sa kanya ano pa bang gusto niya! Pinagtitinginan ako ng mga empleyado namin habang palabas ng opisina ni Steve, kinakalma ko ang sarili ko dahil ako ang CEO dito, ayokong makita nila akong nanghihina. Kaso nga lang hindi ko mapigilan malungkot at maluha. Binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa opisina ko para doon umiyak. Hindi naman ako nagging selfish sa kanya, inintidi ko siya lahat lahat maski alam kong mali na iniintindi ko pa rin siya. Tapos ganito pa malalaman ko? Ang sakit sakit so